Lumaktaw sa pangunahing content

SURING BASA PUSONG WALANG PAG-IBIG NI ROMAN G. REYES

SURING BASA NG NOBELANG: PUSONG WALANG PAG-IBIG NI ROMAN G. REYES I. May Akda Si Roman G. Reyes ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa Bigaa, Bulacan. Nang makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-aral sa Colegio deSan Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro superior. Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacanna kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at pinakasalan noong 1883 siSebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr. MonaHighley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang. Labintatlo ang mga anak ng mag-asawa.Kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa naman sa mgaanak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na nakapangasawa ng Amerikanang si Grace Hackman sa Brooklyn, New York. Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa noong 1886 kung saan siya aynagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho siya bilang bahagiang eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso kada buwan.Ganito ang kaniyang pamunuhay sa Bigaa hanggang sa sumiklab ng Rebolusyon noong ika-5 ng Nobyembre 1896. Ang kanyang pamilya ay lumipat sa Maynila noong 1899 sa bahagingKapawiran ng daang Requesens. Nang umsenso ay lumipat sa bahaging Kabatuhan. Nang mga panahong iyon ay kakatapos lamang ng Rebolusyon at nagkaroon ng bagong sistema ngsanitasyon na sumugpo sa kolera at bulutong kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga nobelana siya namang itinuturing ng mga kritiko bilang isa sa mga importanteng koleksyon ng mgaisinulat na obra.Ang Pusong Walang Pag-ibig ay nasundan pa ng tatlong nobela: Bulaklak ng Kalumpang (1907), Hinagpis at Ligaya (1908) at Wakas ng Pagtitiis (1908). II. Buod Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagaylamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikengat nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro siLoleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kayIsiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas aynadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulongsila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahingiyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama’t dalawang buwan na ang lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Nagingmaganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enriqueang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal nangayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae angnaging anak nila at pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging palayaw. Unti-unting naubosang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ayhindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya nagingkaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyonkaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon angkanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa’t anak. Natapos ang himagsikan at tinalong mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang namga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa kakahanapsamantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino atitinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habangabala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil bakasa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tilamaloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Lolengna kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng.Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa’t isa. Nalaman niTomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng namakita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro niTomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isanghumaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya’y tuluyan nang namatay. Ditonagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang “pusong walang pag-ibig”. III. Pagsusuri A. Pamagat Naging iresponsableng asawa at ama si Enrique kaya naman marami siyang pagkukulang.Wala siyang inisip kundi sariling kapakanan at kung ano ang gusto niyang gawin. Siya ay isangtaong may “Pusong Walang Pag-ibig”. B. Tagpuan Umikot ang istorya sa panahon na magtatapos na ang ng ika-19 na siglo. Mahihinhin pang manamit ang mga tao noon mahigpit ang mga magulang sa anak. Naipakita rin ang mgamakalumang panunuyo ng mga binata sa mga dalaga at ang kanilang mga palusot para lihim namag-usap o makipagtanan. Ibinase si Roman G. Reyes ang ilang parte ng nobela sa mgahistorikal na pangyayari tulad ng malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ngAmerikano na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal namga lugar at pangyayari tulad ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga Pilipino,Kastila at Amerikano. C. Tauhan 1.) Enrique “Ikeng” Pag-Ilagan – 19 anyos na binata, kulot ang buhok at mapang-akit ang mgamata. Maraming nililigawan ngunit hindi handang magpakasal. Sa huli ay si Loleng rin pala ang papakasalan na dating tinalikuran ng pangako. Hindi nagtagal ay naging iresponsableng asawa atama ngunit nagsisi kung kailang huli na ang lahat. 2.) Loleng – anak ni Matandang Tikong at pinagkasundaang pakakasal kay Ikeng. Isang mabutiat ulitang ina kay Nene. Masyadong mapagbigay kaya napabayaan ang minana sa kaniyang amakaya unti-unting naubos dahil sa pagsusugal ni Ikeng. 3.) Nene – Elisa sa tunay na pangalan. Anak si Ikeng at Loleng. Siya ay inosente, magalang atmapagkumbaba ngunit matalino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas. 4.) Matandang Tikong – maalalahaning ama ni Loleng na sa katandaan ay nag-aalinlangan kungkanino niyang lalaki ipagkakatiwala ang anak niya. Pinili si Ikeng para mapangasawa ni Lolengna tila mabigat ang loob dahil walang magagawa kundi sumunod sa desisyon ng ama. Nagsisinang sumapit ang kamatayan dahil nagkamali pala sa pagkakakilala kay Ikeng. 5.) Isiang – dalagang taga-Tabing-bakod at anak ni Aling Juana at Mang Tiago. Minahal si Ikengkahit hindi ito seryoso sa kanya. Labag sa mga magulang niya ang panunuyo ni Ikeng ngunitnagpumilit na siya ay itanan, na siya namang pumalpak sa bandang huli. 6.) Aling Buro – kahit hindi tunay na anak si Loleng ay kaniyang sinuportahan sa mga bagay- bagay tulad noong ipinanganak si Nene, pagbibigay ng payo para matigil ang pagwawaldas niIkeng ng pera at pagpapabaon kay Loleng ng pera noong lumuwas sa Maynila. 7.) Tomas – matalik na kaibigan ni Ikeng na kasama niya sa lahat ng bagay. Makalipas ng ilangtaon ay nagkita silang muli ni Ikeng sa barberya at nagsilbing instrumento upang makita muli siLoleng at Nene. 8.) Beheng – dalagang taga-San Josep na anak ni Kabesang Bino. Inagaw ni Ikeng mula sa amaat itinanang patago sa Tarlac sa halip na ang pagtulong sa Rebolusyon ang inatupag. Labis na natakot dahil baka mahanap sila ng kanyang ama at sinabi ni Ikeng na huwag matakot dahilmagkasama silang parehong nag-iibigan. 9.) Mang Tiago – nagbanta na gagawa ng paraan para makulong si Ikeng dahil sa pagtatangkangmaitanan si Isiang. Dahil dito, walang nagawa si Ikeng kundi umiwas sa gulo sa paraan na ituloyang pagpapakasal kay Loleng. 10.) Kabesang Bino – ama ni Beheng na nagdemanda kay Ikeng dahil sa pang-aagaw sakaniyang anak. Nakulong si Ikeng sa loob ng apat na taon dahil sa kaniya. D. Balangkas ng Pangyayari Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream-of–consciousness sa wikangIngles. Diretso ang lahat ng patutunguhan ng istorya kaya mas naiintindahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nag-umpisa ang lahat sa pakikipagkasundo ni Ikeng kay MatandangTikong hanggang sa kanyang kamatayan ng magkita sila muli nina Loleng at Nene sa Maynila.Maikli lang ang nobela dahil ito ay may dalawampu’t pitong mga kabanata na umiikot sa kwentonina Ikeng, Loleng at Nene ngunit may mga kabanata na may historikal na pagsasalaysay tuladng Rebolusyon sa Bulacan at ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. IV. Epekto sa Mabmabasa Sa pagbabasa ng nobelang Ang Pusong Walang Pag-ibig ni Roman G. Reyes , maramingmatatagpuan na iba’t ibang damdamin at saloobin sa bawat kabanata na minsan ay nakakatawa,nakalungkot, nakakaawa, nakakagalit, nakakainip at marami pang iba. Ngunit halos lahat ng mga pangyayari ay nakakalungkot at makabagbag-damdamin. Nakakagalit naman ang pagigingiresponsable ng mga tauhan katulad ng ginawa ni Ikeng na panliligaw sa maraming dalaga atnang makasal ay nagsugal ng walang kapararakan at nambabae pa. Pero sa kabila ng lahat,nakakalungkot dahil nagkahiwalay si Loleng at Nene. Makikita sa nobela kung gaano kamahal ng isang ina ang anak at gagawin ang lahat para magkitang muli. Ngunit nakakapanabik noong parte na malapit nang mahanap ni Loleng ang kanyang anak at labis na nakaliligaya nangmagkita silang muli. Napakaraming problema at paghihirap ang hinarap ni Loleng. Pumupukawsa damdamin ng mambabasa kung papaano ba ang hindi mawalan ng pag-asa at tibay ng loobupang harapin ang mga mabibigat na problema kahit tila pasan na ang mundo sa hirap.Matutunan dito sa nobela kung paano ang magtiis sa hirap dahil hindi magtatagal ay giginhawakung mananatili ang pagiging mabuti at kung may pagmamahal pa rin sa puso. Ang kawalan niIkeng ng pagmamahal ay nagdulot sa kanya ng kasawian at maaring kasawian din ang magingepekto nito sa iba na makasariling tulad niya. Nagising ang mambabasa pagkatapos malamankung gaano kaimportante ang pagiging responsable sa mga bagay-bagay. Si Ikeng ay pabigla- bigla kung maisip kaya palagi niyang sambit na siya’y napasubo na naman sa maling kilos.Dapat ay iniisip muna ang mga posibilidad ng isang kilos bago ito gawin. Kung ito ba aymakabubuti o makakasama? Isang nakakainis na makalumang pag-uugali sa nobela ay ang pagdedesisyon ng magulang kung sino ang pakakasalan ng kanilang anak na babae tulad ngnangyari kay Loleng. Kung ang mambabasa ay nasa lagay ni Loleng ay iuurong niya ang kasaldahil walang saysay kung hindi naman mahal ang isa’t isa. Kailangan din ang pagiging matapatlalo na sa pag-ibig para maging matatag ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa. Natutunanrin nang mambabasa na dapat unahin ang mga importanteng bagay tulad ng pag-aaral. Inuna niIkeng ang pagsusugal kaya nabaon sila ni Loleng sa utang at lalong naghirap. Dapat rin magingmatatag ang samahan ng isang pamilya para hindi magkahiwalay ng landas o magkawatak-watak. Karaniwan sa Pilipinas ang mga iresponsableng ama at asawa na kung hindi lasenggo aymaaring sugarol. Nararapat itong basahin ng mga taong mahilig sa bisyo para sila aymaliwanagan. V. Konklusyon Ayon sa pagsusuri, ang Pusong Walang Pag-Ibig ay isa sa mga maganda at kapaki- pakinabang na basahin dahil sa pagiging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindinakakatamad suriin ang nobela dahil sa magandang kuwentong taglay. A. Aral Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes angkatotohanan sa mga iresponsableng ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindikaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Kailangang magsikap na isang magulang lalo na ng isang padre de pamilya angmaitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil masamaang magiging epekto nito.Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit.Manalig lamang sa Kaniya at kumilos ng tama at Kanyang ibubuhos ang biyaya. Matatag siLoleng dahil sa kalagitnaan ng alitan giyera ng mga Amerikano sa Pilipino ay kanyang buonggiting na hinanap sa mapanganib na lansangan ng Maynila ang kanyang anak na si Nene.Isipin muna ng maraming beses ang isang bagay bago ito gawin. Maraming beses na pumalpak si Enrique dahil napasubo lamang siya at hindi inisip kung ano ba ang tamanggagawin. Mali ang pagiging pabigla-bigla sa pagdedesisyon dahil baka hindi magustuhan angmagiging dulot nito. May mga taong nakakatanda at maraming karanasan.Dapat pahalagahan ang edukasyon dahil ito’y magbibigay sa tao ng magandangkinabukasan. Sinikap ni Loleng na mapag-aral si Nene at masasabi ko na tama ang kanyangdesisyon. Samantalang nagsikap mag-aral ng mabuti si Nene dahil sa pagiging masunurin sa ina. Maging masunurin sa magulang dahil ito ay isa sa mga utos ng Diyos na may pangakong pagbibigay ng magandang kapalaran balang araw. Sumunod si Nene sa mga tagublin ng kanyangina at kahit kailan ay hindi siya naligaw ng landas.Kapag may hirap, may ginhawa. Sa kabila ng hindi na nahanap muli ni Loleng si Ikengay sinikap niyang muling bumangon sa tulong ni G. Ricardo at Aling Nitang. Sa simpleng pagbebenta ng bibingka ay unti-unting nakaipon kaya silang mag-ina ni Nene ay namuhay rin ngmasagana.Maging matulungin sa kapwa katulad ng pagtulong ni G. Ricardo at Aling Nitang kay naLoleng at Nene. Hindi sila kailanman humingi ng kapalit bagkus lalo pa nilang sinuportahan angmag-ina para umasenso. B. Puna Makalumang Tagalog ang kadalasang ginamit ni Romang G. Reyes tulad ng salitang“napapanagimpan” at “humahaginggeng” sa mga pagsasalaysay at pag-uusap ng kwento attauhan. Naging mahirap para sa manunuri ang pagkuha sa kahulugan ng ibang mga hindi pamilyar na salita ngunit sulit naman dahil maganda ang kuwento. Naipakita ng may-akda kulayng mga makalumang kaugalian noong ika-19 na siglo tulad ng labis na kahigpitan at pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang mga makalumang uri ng sugal, pamamaraan ng panliligaw at mga salitang panuyo, mga taong walang ibang libangan kundimakipagkuwentuhan sa kapananghalian at ang mga bagay na dapat inihahanda kapagmanganganak ang isang babae. Lahat ng mga makalumang ugali ay nagbigay diwa sa nobela.Inilahad rin ni Roman G. Reyes ang kanyang historikal at awtobiograpikal na karanasan saRebolusyon tulad ng mga pagkabalisa ng mga tao, pagiging abala ng mga kalalakihan dahilmamumundukan at ang hindi pagiging kalmado ng mga dalaga dahil sa takot. Isiningit rin ng may-akda ang kalagayan ng Maynila noong nagkakagulo dahil sa biglaang dominasyon ngAmerikano sa Pilipinas na ang kinakatwiran ay tutulong daw para makapagsarili ngunitsinalakay nila ang mga sundalong Pilipino. Maraming naganap na sunog. Naging mga sakim angtao sa Maynila at ang iba ay nagnakaw sa bahay ng may bahay samantalang itinaas ang renta ngmga pinauupahang tulugan ng mga ganid na maybahay. Maganda ang pagbibigay papel ni Reyessa mga tauhan ng kanyang nobela. Naging ganap ang pagiging iresponsable at bisyoso niEnrique na siyang nagdulot ng paghihirap ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito, nagingulirang ina si Loleng kay Nene dahil tiniis niya ang mga paghihirap at nagsikap paramakabangon at mapag-aral ang anak. Hindi nagustuhan ng mambabasa ang pagkamatay ni Ikengdahil hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanyang asawa’t anak namatagal niyang hindi nakita sa loob ng mahabang panahon. Ngunit maaaring naging silbing parusa iyon kay Ikeng dahil sa kanyang mga pagkukulang. Epektibo ang dramatiko atmakalumang estilo ni Roman G. Reyes upang maramdaman ng mambabasa ang mensahe ngkwento at damdamin dahil ito ay puno ng mga aral na tiyak na tatatak sa isip ng sinumang babasa.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

HISTORY OF BAYUGAN

The name "Bayugan" is a Manobo term for pathway, since then the natives called the place, Bayugan. Another version states that "bayug" trees grew abundantly in this place. It was also believed that the natives used to make this place their meeting spot and that the means of gathering the inhabitants was by knocking on a hollow piece of wood which they termed as the "bayug." History [ edit ] Bayugan was formerly a sitio of Barangay Maygatasan,  Esperanza . Several versions abound on how the sitio got its name. First, the place was located along the river which served as the pathway of the natives in going to Esperanza. In 1942, Japanese troops entered Bayugan. In 1945, the town of Bayugan in Southern Agusan was liberated by Filipino soldiers and guerrillas from the Japanese forces occupying the town. In 1948, the Department of Public Works and Highways conducted a survey for a national highway that would connect  Butuan  with  Davao City . Simult

PARAAN KUNG PAANO MAGING MAYAMAN

Bayaran ang iyong pinakamataas na interes bill muna at pagkatapos ay tumutok pagbabayad sa susunod na pinakamataas na interes bill hanggang sa ikaw ay ganap na sa labas ng utang. Ang planong ito ay gastos sa iyo ng hindi bababa sa interes. Kailangang baguhin ang paraan ay upang bayaran ang pinakamaliit na mga pautang muna. Ito ay nagpapahintulot sa iyo na makita ang pag-unlad na ginawa sa pamamagitan ng mabilis pagtatanggal ng ilan sa iyong mga bill. Maghanap para sa lahat ng pagkakataon na gumawa ng pera. Nagbebenta ng mga item na hindi mo ginagamit anymore, kahit gaano maliit. Panatilihin ang iyong credit record malinis. Ang pagkakaroon ng mababang credit score ay gawing mas mahirap upang maging kuwalipikado para sa mga pautang o isang linya ng credit. Kung matutuklasan mo ang iyong sarili kinakapos ng isang bagay mamahaling sa pakikipagsapalaran para sa agarang pagbibigay-kasiyahan, ilihis ang iyong sarili sa isang maliit na utang na loob sa halip na pagbibigay in sa malaking i